Matagumpay na naaresto ng Sual Police Station ang tinukoy na Top 2 Most Wanted Person sa Municipal Level.
Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek bilang isang 18-anyos na mangingisda at residente sa bayan.
Arestado ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5B ng Republic Act No. 7610 at may inirekomendang piyansa na P200,000.00.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa Sual Police Station para sa tamang dokumentasyon at kaukulang proseso.
Samantala, iginiit naman ng Pangasinan Police Provincial Office ang kanilang patuloy na pangako sa pagsugpo sa mga wanted persons at pagpapatupad ng mga batas para sa proteksyon ng buong komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









