TOP 2 MUNICIPAL WANTED SA LINGAYEN, ARESTADO

Arestado ang itinuturing na top 2 municipal wanted person sa bayan ng Lingayen sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad.

Kinilala ang akusado na isang 45-anyos na babae at residente rin ng nasabing bayan.

Nahaharap ito sa patong-patong na kasong paglabag sa Republic Act 11765 o Financial Products and Services Consumer Protection Act at Republic Act 8799 o Securities Regulation Code.

May kabuuang piyansang nagkakahalaga ng ₱504,000 ang inilaan para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa tamang dokumentasyon at karampatang disposisyon.

Facebook Comments