Top 2 sa ECE Licensure Examination 2019 tubong Pangasinan

“It’s not what you can do, its God can do”
Ito ang sinabi ng isang 20 taong gulang na si Engineer Hannah Joy Fadullon tubong Malasiqui Pangasinan, na pumangalawa sa buong Pilipinas sa katatapos lamang na Electronics Engineering Licensure Examination 2019.
Ayon kay Fadullon, hindi madali ang anim na buwan na paghahanda para sa licensure examination.
Sinubok pa umano ito ng hamon sa buhay nang magkasakit siya ng dalawang beses sa kasagsagan ng pagrereview.
Gayunpaman, hindi ito napanghinaan ng loob at itinuloy ang pagrereview. Sa lumabas na resulta ng eksaminsyon Naka kuha si Fadullon ng average na 91. 8.
Payo nito sa mga kabataang sasabak sa board examination, magtiwala lamang sa sarili at huwag kakalimutang samahan ng dasal.
Sa ngayon nais nitong makapiling na muna ang kaniyang pamilya at makapagpahinga bago sumabak sa trabaho.
Samantala, nasungkit din ni Dlord Mc Dhevic Rosario ang ika limang pwesto at Cherrish Antoinette ang ikapitong pwesto na pawang tubong Pangasinan.
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>

Facebook Comments