
Arestado ang isang 53 anyos na lalaki na kabilang sa Most Wanted Person (MWP) Top 2 sa antas-munisipalidad sa isinagawang operasyon ng pulisya bandang alas-3:00 ng hapon noong February 23, 2026 sa bayan ng Mangaldan.
Kinilala ang inaresto bilang isang may-asawang construction worker at residente ng Mangaldan, Pangasinan.
Siya ay nadakip ng mga tauhan ng Mangaldan Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay ng kasong Rape.
Walang inirekomendang piyansa para sa naturang kaso, kaya’t agad na dinala ang akusado sa himpilan ng pulisya matapos ang kanyang pagkakaaresto.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Mangaldan MPS ang nasabing akusado habang hinihintay ang kaukulang proseso at pagharap sa hukuman para sa nabanggit na kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










