
Patuloy ang mahigpit na kampanya laban sa mga wanted persons matapos arestuhin ng magkatuwang na pwersa ng Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company at Station 1 ng Baguio City Police Office ang isang Top 3 Most Wanted Person (City Level) noong February 21, 2026 sa bayan ng Pozorrubio.
Kinilala ang akusado na isang 35 anyos na construction worker at residente ng Baguio City. Inaresto ito batay sa Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Sexual Assault alinsunod sa Article 266-A, Paragraph (2) kaugnay ng Article 266-B ng Revised Penal Code, at sa Section 5(b) ng Republic Act No. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Mayroon namang inirekomenda 200,000 pesos bilang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. Sa kasalukuyan, siya ay nasa kustodiya ng Station 1, Baguio City Police Office para sa karampatang proseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










