Top 3 Most Wanted Person (Municipal Level) at Top 10 Provincial Level ng Isabela, Naaresto sa Pudtol Apayao!

Delfin, Albano – Arestado kahapon ang top 3 most wanted person (Municipal Level) at Top 10 most wanted (Provincial Level) sa Delfin Albano Isabela matapos ang ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Brgy. Kapannikian, Pudtol, Apayao.

Ayon kay Police Senior Inspector Ericson Aniag, hepe ng Delfin Albano Police Station, ang akusado ay kinilalang si Inggu Denguray Dacquil, labing walong taong gulang, binata, at residente ng Brgy. Capitol, Delfin Albano, Isabela.

Aniya nagsagawa umano ng manhunt operation ang pinagsanib pwersa ng Delfin Albano Police Station at Pudtol Police Station kung saan ay matagumpay na nahuli ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio ng RTC, Second Judicial Region Branch 22, Cabagan Isabela.


Walang nairekomendang piyansa para kaso ni Inggu Dacquil dahil sa ginawang panghahalay nito sa kanyang mismong pamangkin kamakailan.

Sa ngayon ay nasa himpilan na ng pulisya si Dacquil para sa dokumentasyon nito bago dalhin sa kanyang court of origin.

Facebook Comments