Top 3 Most Wanted Person-Municipal Level sa Cordon Isabela, Timbog!

Cordon, Isabela- Timbog kaninang umaga sa kamay ng kapulisan ang top 3 Most Wanted Person sa municipal level ng bayan ng Cordon Isabela.

Kinilala ang akusado na si Ruen Agcaoili, bente syete anyos, walang asawa at residente ng Barangay Turod Sur, Cordon, Isabela.

Si Agcaoili ay may kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act kung saan ay nahuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Efren Cacatian ng RTC Branch 35 Santiago City.


Dinala na ang akusado sa Cordon Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments