Top 3 most wanted person na may kasong robbery with homicide, boluntaryong sumuko sa San Juan City

Boluntaryong sumuko kay San Juan Chief of Police P/Col. Jaime Santos sa pamamagitan ni Barangay Chairman Charles Tejoso ng Brgy. Salapan, San Juan City ang tinaguriang Number 3 most wanted person na may kasong robbery with homicide na si Jake Ducarnoy y Moclon, 29-anyos, isang production employee sa Barangay Hall ng Brgy. Salapan, San Juan City.

Ang mga operatiba ng pinagsanib na pwersa ng warrant and subpoena, follow-up unit, Station Anti-Carnapping Sections at Intelligence Section ng San Juan Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni PLt. Joseph G Rawar, Chief ng Warrant and Subpoena Section sa ilalim ng pangangasiwa n PMaj. Dennis David Chief Station Intelligence Division Manangement Section ay nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa naturang akusado matapos na boluntaryong sumuko.

Si Ducarnoy ay pitong taon nang pinaghahanap ng mga otoridad sa kasong robbery with homicide na inisyu ni Hon. Judge Myrna Lim-Verano ng Regional Trial Court Branch 160, San Juan City noong July 4, 2013 kung saan ay walang piyansang inirekomenda ang Korte.


Naka-detain na sa San Juan City Custodial Facility ang naturang akusado.

Facebook Comments