CAUAYAN CITY- Tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ang tinaguriang top 3 most wanted provincial level sa Calanasan, Apayao.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jigs”, nasa wastong edad, at residente ng nasabing lalawigan.
Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang pyansa na inihain noong ika-29 ng Oktubre 2024 sa Luna, Apayao.
Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.
Samantala, ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng kapulisan ng Apayao.
Facebook Comments