Top 3 Most Wanted Person sa Bayan ng Alicia, Timbog

39

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 3 Most Wanted person sa municipal level sa brgy. Victoria sa bayan ng Alicia, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Gilbert Almuete, 27 taong gulang, helper, residente ng Brgy. Victoria sa nasabing bayan.


Dinakip si Almuete sa bisa ng Warrant of arrest na inilabas ni hukom Mary Jane Socan Soriano ng MTC Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Theft.

Dinala sa himpilan ng Alicia Police Station ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Dalawang libong piso ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments