Top 3 Most Wanted Person sa Echague, Isabela, Kalaboso!

82

*Echague, Isabela- *Nahuli na ng mga otoridad sa Brgy. Tuguegarao, Echague, Isabela ang tinaguriang Top 3 most wanted person sa bayan ng Echague.

Kinilala ang akusado na si Homer Oliveros, 21 anyos, binata, isang Laborer at residente ng nabanggit na lugar.


Timbog sa bisa ng Warrant of Arrest si Oliveros na ipinalabas ni judge Michelle I. Gumpal, ng MTC Echague, Isabela dahil sa kasong Serious Physical Injuries.

Dinala na sa himpilan ng Echague Police Station ang akusado at pansamantalang makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang P6,000.00.

Facebook Comments