Arestado ang Top 3 Most Wanted Person sa Dagupan kaugnay ng kasong statutory rape matapos matimbog sa isinagawang manhunt operation sa Barangay Poblacion Oeste noong Biyernes ng gabi, Pebrero 13.
Kinilala ang suspek bilang isang factory worker at residente ng Barangay Calmay.
Isinagawa ng Dagupan City Police Office (DCPO) ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong statutory rape na inisyu noong Oktubre 9, 2023, na walang inirekomendang piyansa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng DCPO ang suspek para sa kaukulang proseso ng batas.
Facebook Comments










