Top 3 Most Wanted sa Gamu, Isabela, Natimbog Na!

68

*Gamu, Isabela- *Natimbog na ng mga otoridad ang Top 3 Most Wanted Person sa bayan ng Gamu, Isabela matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Sitio Bisibi brgy District 2, Gamu, Isabela.

Kinilala ang natimbog na si Jimmy Pardito, 41 anyos, construction worker, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Richard Limbo, hepe ng PNP Gamu, Isabela, inaresto ng mga kasapi ng PNP Gamu si Pardito sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18 dahil sa kasong Frustrated Murder matapos masangkot sa isang gulo siyam na taon na ang nakalilipas.

Aniya, Matagal na umanong nagtago sa Maynila si Pardito subalit kusa naman umano itong sumuko sa mga otoridad matapos isilbi ang kanyang mandamiento de aresto.

Nasa kustodiya na ng PNP Gamu si Jimmy Pardito at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang dalawang daang libong piso (200,000.00).

Facebook Comments