Top 3 Most Wanted sa Ilagan City, Isabela, Natimbog Na!

*Ilagan City, Isabela-* Hawak na ng kapulisan ang lalaking Top 3 Most Wanted sa listahan ng Lungsod ng Ilagan matapos madakip pasado alas singko ngayong hapon, Agosto 13, 2018 sa Brgy. Manaring, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Alfredo Banguilan Ampa, kwarenta anyos, may asawa at residente ng brgy. San Rodrigo, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang kaalamn ng RMN Cauayan, dinakip ng mga kasapi ng PNP Ilagan si Alfredo sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17, 2nd Judicial Region, Ilagan City, Isabela dahil sa kaso nitong 2 counts Rape at walang nairekomendang piyansa para sa kanyang kaso.


Nakapiit na sa PNP Ilagan ang suspek na mahaharap sa kanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments