Top 3 Most Wanted sa Nagtipunan, Quirino, Arestado!

Bagsak na sa kulungan ang itinuturing na Top 3 Most Wanted Person sa bayan ng Nagtipunan matapos itong maaresto ng pulisya ng nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, kinilala ni P/Capt. Dominic Rosario, OIC ng Nagtipunan PNP ang akusado na si Domingo Beltran alyas Doming, 58-anyos, may-asawa at residente ng Purok 2, Brgy. San Ramos, Nagtipunan, Quirino.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Michael J Tagare ng Second Municipal Circuit Trial Court, Maddela, Quirino dahil sa kasong Attempted Homicide.


Pansamantalang makakalaya si Beltran kung makakapaglagak ng piyansa na halagang P36,000. 00.

Facebook Comments