Timbog ang isang 46-anyos na lalaki na Top 3 Municipal Most Wanted Person sa San Jacinto matapos ang ikinasang operasyon ng San Jacinto Police Station kahapon, Disyembre 9.
Ayon sa pulisya, wanted ang suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act (Seksyon 11 at 12) at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Nasamsam mula rito ang isang caliber .38 revolver na walang serial number at may tatlong bala.
Batay sa inisyung warrant of arrest, walang itinakdang piyansa para sa paglabag sa Seksyon 11 ng RA 9165, habang may nakalaang piyansa namang ₱40,000 at ₱180,000 para sa iba pa nitong kaso.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng San Jacinto MPS ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at paghahain ng mga karampatang kaso.







