TOP 3 MWP MUNICIPAL LEVEL, ARESTADO SA MANGATAREM

Arestado ang itinuturing na top 3 most wanted person (MWP) municipal level sa Managatarem, Pangasinan.

Kinilala ang akusado na isang 30 anyos na at residente rin sa nasabing bayan.

Naaresto ang akusado sa pamamagitan ng isang warrant of arrest at nahaharap sa kasong paglabag sa Acts of Lasciviousness in relation to Section 5 of Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

May inirerekomenda naman na pyansa na nagkakahalaga ng 200,000 pesos.

Nasa ilalim na ng kustodiya ng pulisya ang naturang akusado para sa tamang disposisyon at kahaharaping kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments