
Hawak na ng mga operatiba ng Delpan Police Station ang kanilang No. 3 Top Most Wanted Person matapos ang ikinasang operasyon sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang akusado na si alyas ‘John’, 28-anyos, rider ng isang ride-hailing app na nahaharap sa kasong ‘rape’ na walang inirekomendang piyansa.
Nahuli ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Delpan PS ang akusado sa mismong harap ng bahay nito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila City Regional Trial Court Branch 6.
Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa naturang istasyon habang hinihintay naman ang pagbabalik ng warrant nito sa nag-isyung korte.
Facebook Comments










