Arestado ang itinuturing na ikaapat sa most wanted person municipal level sa Calasiao, Pangasinan.
Kinilala ang akusado bilang alyas, “Atong”, 49 anyos at residente rin sa nasabing bayan.
Naaresto ng mga tauhan ng Calasiao Police Station, katuwang ang Provincial Intelligence Team (PIT) Pangasinan at Regional Intelligence Unit 1 (RIU1) ang akusado sa pamamagitan ng isang warrant of arrest kung saan nahaharap ito sa dalawang kaso ng Rape through Sexual Assault.
May kaukulan itong piyansa na nagkakahalaga ng nasa 180,000 pesos.
Sa ngayon ay nasa ilalim na ng kustodiya ng Calasiao PS ang akusado para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









