Top 4 Most Wanted Person sa Echague, Isabela, Timbog!

*Echague, Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang itinuturing na Top 4 Most Wanted Person sa bayan ng Echague, Isabela matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Rodrigo Ariola, 21 anyos, binata, isang laborer at residente ng nabanggit na lugar.

Bandang 11:00 kaninang umaga nang matimbog si Ariola ng magplabas ng warrant of arrest si hukom Michelle Gumpal-Videz ng MTC Echague, Isabela dahil sa kasong Attempted Homicide.


Nagkakahalaga ng P15,000.00 ang inilaang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ni Ariola.

Nasa pag-iingat na ng PNP Echague ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Facebook Comments