TOP 4 MOST WANTED PERSON SA LALAWIGAN NG ISABELA, NADAKIP SA KASONG RAPE

Cauayan City – Sa kulungan ang bagsak ng isang magsasaka matapos itong madakip ng mga awtoridad sa lungsod ng Cauayan.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, ang suspek ay kinilalang si alyas “Mar”, 37-anyos, at itinuturing bilang Top 4 Most Wanted Person sa buong lalawigan ng Isabela.

Ang suspek ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte dahil sa dalawang bilang ng kasong Rape na may kaugnay sa Sec. 5 ng RA 7610 na kinahaharap nito.


Samantala, wala ring inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Alyas “Mar”.

Matapos ang tagumpay na pagkakaaresto kaagad na dinala sa himpilan ng Cauayan City Police Station ang suspek para sa dokumentasyon.

Facebook Comments