Bumagsak sa kamay ng pulisya ang TOP 4 Most Wanted ng Makati City Popice Station ,na subject ng manhunt operation ng Southern Police District.
Ayon kay Makati Intelligence Operatives na pinamumunuan ni P/Inspector Reyne Baluyan Chief, Intelligence Section ng Makati City Police Station nakilala ang suspek Jun Carlo Regala , 25 anyos residente ng Block 130 Staghunt St., Barangay Rizal, Makati City.
Si Regala ay mayroong standing Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Ronald B Romero, Presiding Judge, Branch 147, Regional Trial Court, Makati City para sa kasong Frustrated Murder.
Ibinunyag ng suspek sa Makati City Police Station upang counter ng kanyang Warrant of Arrest na inisyu ng Korte laban sa kanya kung saan pinabulaanan nito ang ang warrant ay hindi niya pangalan pero ng magsagawa ng verification, natuklasan na siya nga ang tinukoy sa warrant dahil sa tattoo sa kanyang paa.