TOP 4 MOST WANTED SA REGION 2, ARESTADO SA CAUAYAN CITY

Kalaboso ang tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa buong Lambak ng Cagayan dito sa Lungsod ng Cauayan.

Ang dinakip ay kinilalang si Allan Rubi, 32 taong gulang, may asawa, laborer, at residente ng Barangay Baringin, Cauayan City, Isabela.
Hinuli ang akusado sa ilalim ng COPLAN BALATONG ng pinagsanib na pwersa ng Cordon Police Station bilang lead unit, RGSC PRO2, PIT QUIRINO RIU2, Provincial Intelligence Unit ng IPPO at PIDMU IPPO.

Ang nasabing akusado ay nahaharap sa tatlong (3) bilang ng kasong rape o panggagahasa.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng nasabing akusado.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng PNP Cordon, Isabela si Allan Rubi matapos itong maipasakamay ng mga otoridad.

Facebook Comments