Top 4 Most Wanted sa Region 2 na Pumatay ng Tiyuhin, Timbog sa Cagayan

35

Cauayan City, Isabela- Tuluyan na rin bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang Top 4 Most Wanted Person sa buong Rehiyon dos dahil sa pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa Barangay Samuk-Samuk, Sta. Ana, Cagayan.

Kinilala ang akusado na si Noel Suguitan, 38 taong gulang, construction worker, residente ng D’Leaño, Claveria, Cagayan subalit kasalukuyang nakatira sa barangay Samuk-Samuk.


Nabatid na limang (5) taon nang nagtatago sa batas si Suguitan matapos ang pagpatay sa mismo nitong tiyuhin na kinilalang si Johny Menor noong taong 2016.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso ni Suguitan para sa kanyang pansamantalang Kalayaan.

Nasa kustodiya ngayon ng Claveria Police Station si Suguitan para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments