Top 5 Most Wanted Municipal Level, Natimbog

23

Cauayan City, Isabela- Nadakip na ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 5 Most Wanted sa ilalim ng manhunt Bravo at Charlie ng kapulisan sa Brgy. Balzain West Tuguegarao City, Cagayan.

Dakong 12:30 ngayong tanghali nang isilbi ng mga kasapi ng PNP Quirino ang warrant of arrest na inisyu ni hukom Bernabe B Mendoza ng RTC, Branch 23 Second Judicial Region, Roxas, Isabela sa akusado na kinilalang si Rolando Roque, 48 anyos, walang asawa, construction worker, at residente ng Brgy Vintar ng bayan ng Quirino at nanunuluyan sa Brgy. Balzain West sa Lungsod ng Tuguegarao.


Si Roque ay nahaharap sa kasong Homicide at may inirekomendang piyansa ang korte na Php40,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala na sa himpilan ng PNP Quirino ang akusado at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments