Timbog ang tukoy na Top 5 most wanted person provincial level sa Aklan sa bayan ng Bayambang.
Kinilala ang akusado na isang 54 anyos na construction worker at residente ng Bayambang, Pangasinan.
Aresta ang akusado sa bisa ng isang warrant of arrest na haharap sa kasong two counts ng Statutory Rape at walang inirekomendang piyansa.
Pansamantalang nilagak sa Alaminos City Police Station ang akusado at nakatakdang iturn over sa Banga Municipal Police Station sa Banga, Aklan para sa tamang disposisyon. | ifmnewsdagupan
Facebook Comments







