TOP 5 MOST WANTED PERSON SA ANDA, ARESTADO SA KASONG ATTEMPTED HOMICIDE

Tiklo ang lalaki sa bayan ng Anda na tukoy bilang Top 5 Most Wanted Person Municipal Level.

Nakilala ang suspek na isang 37-anyos na lalaki at residente Brgy. Mal-Ong sa nasabing bayan.

Nahaharap ito sa kasong Attempted Homicide at may inirekomendang piyansang Php 120,000.00.

Dinala ito sa kustodiya ng pulisya para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments