Top 5 Most Wanted Person sa Tumauini, Arestado

16

Cauayan City, Isabela- Naaresto na ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 5 Most wanted person municipal level sa barangay Fugu Abajo, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang nahuli na si Peter Curibang, 34 taong gulang, may-asawa, delivery boy at residente ng nabanggit na barangay.


Dinakip si Curibang sa bisa ng mandamyento de aresto na inilabas ni hukom Rogelio Anapi ng 3rd MCTC Tumauini-Delfin Albano, Isabela dahil sa kasong Qualified Trespass to Dwelling na naitala noong August 6, 2019.

Mayroon namang inirekomendang piyansa ang korte na halagang Php36,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments