Top 5 Most Wanted Person sa Tumauini, Isabela, Natimbog

25

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga kasapi ng PNP Tumauini ang itinuturing na Top 5 Most Wanted person sa naturang bayan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela.

Isinilbi ang mandamiento de aresto sa akusado na kinilalang si Roberto Villaflor, 54 taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng barangay Minanga, Tumauini, Isabela.


Ito ay para sa kanyang kasong Illegal Discharge of firearm na may kaukulang piyansa na Php8,000.00.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Samantala, natimbog rin ng PNP Tumauini ang isang magsasaka dahil sa pag-iingat nito ng iba’t-ibang klase ng bala.

Sa isinilbing search warrant laban kay Nelson Tamang, 32 taong gulang, may asawa at residente ng brgy. Lanna, Tumauini, Isabela ay narekober sa kanyang pag-iingat ang tatlong (3) pirasong gauge 12 live ammunitions, apat (4) na bala ng Caliber 38 na baril, isang (1) empty shell ng Caliber 38 revolver.



Mahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspek.


Facebook Comments