Top 5 Most Wanted Provincial at Top 2 City Level, Arestado!

77

Cauayan City, Isabela- Bagsak na sa kulungan ang itinuturing na Top 5 Most Wanted person sa Lalawigan ng Isabela at Top 2 City Level matapos maaresto ng mga otoridad sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Eldeponzo Viernes, 35 anyos, walang asawa, helper at residente ng Minante 2, Cauayan City, Isabela.


Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Ariel M Palce, ng RTC Br 40, Cauayan City, Isabela ay naaresto dakong alas 11:00 ng umaga kahapon ang akusado dahil sa kinakaharap na kasong apat na beses na rape o panggagahasa.

Pansamantalang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang akusado at anumang araw ay ipapasakamay sa court of origin.

Facebook Comments