HUSTISYA! Madalas mo itong marinig ngayon sa kalsada, mabasa sa social media o sa mismong bahay niyo dahil mayroon tayong sari saring ipinagalalaban. Ang mga Pangasinense may TOP 5 na inihihingi ng #HUSTISYA na napag usapan sa programang I SA UMAGA!
1. MABAGAL NA INTERNET CONNECTION – Nakaka BV o bad vibes ang pag aaksaya ng pera sa internet connection na mabagal. Isa na kasi ito sa mga pangangailangan ng tao lalo na kung ang trabaho o raket ay online. Hindi rin makaka video call ang hubby o jowa kung may mabagal na internet. Hindi makaka attack ng maayos kung babagal bagal ang internet. Sigaw ng mga taga Pangasinan #HUSTISYASAMABILISNAINTERNETCONNECTION
2. POWER INTERRUPTION – Isa sa prinoproblema ngayon ng mga Pangasinense ang power interruption na wala namang abiso lalo na kung wala namang kalamidad na naganap o anong aberya at napapa #CLUELESS ang mga ito. Sigaw ng mga taga Pangasinan #HUSTISYASAPOWERINTERRUPTION.
3. PANAHON – Mamaya iinit , mamaya lalamig. Nakakasira ng OOTD ang ganitong ganap. Sigaw ng mga taga Pangasinan#HUSTISYASAPANAHON.
4. TRAFFIC – Akala mo nasa EDSA pero nasa Pangasinan lang pala. Kaliwat Kanan ngayon ang ginagawang mga kalsada sa Pangasinan na nagiging dahilan ng Trapiko. Late ka na pero wala kang magagawa kundi maghintay kaysa painitin ang ulo sa Traffic. Sigaw ng mga taga Pangasinan #HUSTISYASATRAFFIC
5. MABABANG SAHOD – Dahil tumaas ang sahod ng mga nagtratrabaho sa Maynila ng 21 pesos gusto rin ng mga taga Pangasinan ang umento sa Sahod ng mga nasa Probinsiya. Sigaw ng mga taga Pangasinan #HUSTISYASAMABABANGSAHOD
Ikaw ano ang gusto mong hingian ng HUSTISYA?