Tuesday, March 24, 2026

Top 5 Regional Most Wanted para sa kasong multiple sexual assaults, naaresto sa Camarines Sur

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang isang byudong magsasaka na nasa listahan bilang Top 5 Regional Most Wanted para sa kasong Multiple Sexual Assaults.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa Brgy. Duwang Niyog, Libmanan, Camarines Sur.

Ang suspek ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng family court ng Daet Camarines Norte para sa limang counts ng rape sa pamamagitan sexual assault.

Isa sa mga warrant ay may rekomendang pyansang nagkakahalaga ng P200,000 habang ang apat na counts ay non-bailable o walang rekomendang pyansa.

Sa ngayon ang suspek ay nasa kustodiya ng mga awtoridad.

Facebook Comments