Top 6 Most Wanted Municipal Level, Arestado sa Cabatuan, Isabela!

211

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 6 Most Wanted Person sa bayan ng Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Ariel Pawal, 22 taong gulang, walang asawa at residente ng Brgy. Rang-ay, Cabatuan, Isabela.


Inaresto sa bisa ng warrant of arrest si Pawal na ipinalabas ni hukom Reymundo L. Aumentado, ng RTC Branch 20, Cauayan City, Isabela.

Si Pawal ay nahaharap sa kasong panggagahasa at walang inilaang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa kustodiya na ng Pulisya ang akusado at posibleng hindi na makalabas ng kulungan.

Tags; 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon, Ariel Pawal, Brgy. Rang-ay, Cabatuan, pnp cabatuan

Facebook Comments