Top 6 Most Wanted ng Nueva Vizcaya, Naaresto sa Maynila!

Cauayan City, Isabela – Bumagsak na sa kamay ng mga tauhan ng Manila Police District, Ermita Police Station ang tinaguriang top 6 most wanted person sa Nueva Vizcaya matapos ang siyam na taong pagtatago sa mga alagad ng batas ay matagumpay na naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa Baseco Compound, Fort Area, Manila.

Ayon kay Police Superintendent Elpidio Bernalez, Station Commander ng Station 5, inaresto ng kanyang mga tauhan si Licerio Defensor, singkwentay tres anyos, residente ng Block 17, Road 3, Baseco Compound, Fort Area, Manila, dahil sa kasong Sexual Assault at Rape noong July 29,2009.

Si Defensor ay sinampahan ng kasong panggagahasa sa Solano Nueva Vizcaya sa Prosecutors Office na ipinalabas ni Judge Meriante Surait ng RTC Branch 29 Nueva Vizcaya.


Inaresto si Defensor sa kanyang tahanan kung saan ay mapayapa namang sumuko sa mga otoridad ang naturang akusado.

Facebook Comments