Top 6 Most Wanted Person sa Bayan ng Tumauini, Huli

28

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki na Top 6 most wanted person sa municipal level matapos isilbi ang warrant of arrest sa brgy. Arcon, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jeffrey Agtina, 30 taong gulang may-asawa, welder, at residente rin sa nabanggit na lugar.


Sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Jennifer Loveria ng MCTC Tumauini-Delfon Albano-Tumauini, Isabela ay naaresto si Agtina dahil sa kinakaharap na kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide na naitala noong January 27,2020.

Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa dokumentasyon at disposisyon.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapaglagak ng piyansang Php30,000.00.

Facebook Comments