Top 6 Most Wanted Person sa Lalalwigan ng Isabela, Timbog Na!

Benito Soliven, Isabela – Natimbog na ng mga otoridad ang tinaguriang top 6 most wanted person sa lalawigan ng Isabela sa Brgy. Balliao, Benito Soliven, Isabela kahapon.

Ayon kay Police Senior Inspector Glanery Cabeliza, hepe ng Benito Soliven Police Station, kinilala ang akusado na si Jemar Sanchez Mundo, bente syete anyos, may asawa at residente ng Brgy. Balliao, Benito Soliven, Isabela.

Aniya, isinilbi ang dalawang warrant of arrest ni Mundo na ipinalabas ni hukom Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18 ng City of Ilagan sa kasong murder na walang nairekomendang piyansa habang ang kasong frustrated murder ay may nairekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php200,000.00.


Ang akusado ay nasa PNP Benito Soliven para sa dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Matatadaan na si Mundo ay sangkot kamakailan sa kasong pamamaril sa mag-asawa at pamangkin na nagsimula lamang sa simpleng alitan na may kaugnayan sa basketball sa kaniyang barangay.

Facebook Comments