Top 6 Most Wanted Person sa Tumauini, Arestado

25

Cauayan City, Isabela- Nadakip na ng mga kasapi ng PNP Tumauini ang itinuturing na Top 6 Most Wanted Person municipal level sa ilalim ng Manhunt Bravo ng kapulisan.

Kinilala ang akusado na si Edmund Abaoag, 36 taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Dy-Abra, Tumauini, Isabela.


Sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto si Abaoag sa mismong barangay nito sa bisa ng warrant oif arrest na inisyu ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 Cabagan, Isabela dahil sa kasong Frustrated Homicide.

Nasa halagang Php72,000.00 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Dinala sa Tumauini Police Station ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments