Top 6 Most Wanted-Regional Level, Huli sa Cauayan City

22

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kulungan dito sa Lungsod ng Cauayan ang isang limamput apat na taong gulang na lalaki na itinuturing na Top 6 Most wanted sa regional level ng Women and children Protection Desk (WCPD).

Pasado alas dos ng hapon kahapon nang isilbi ang warrant of arrest na inisyu ni hukom Ariel Managuelod ng RTC Branch 40, Cauayan City, Isabela laban sa akusado na kinilalang si Baltazar Rimas, walang asawa, helper, at residente ng Barangay Rogus, Cauayan City, Isabela para sa kasong apat (4) na beses na panggagahasa.

Pinangunahan ni PMaj. Grandeur Tangonan ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa brgy. San Fermin, Cauayan City, kasama ang iba pang tauhan ng PNP Cauayan City at ng tracker team ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na nagresulta sa pagkakahuli ni Rimas.


Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa suspek, umamin ito sa ginawang pang-aabuso sa 15 taong gulang na biktima na isinagawa doon mismo sa loob ng kanyang bahay.

Nangyari aniya ang pananamantala ng suspek nitong April 2021 dala umano ng kanyang kalasingan.



Samantala, aasikasuhin na ngayong araw, Disyembre 14, 2021 ang commitment order ng suspek mula sa korte para maipasakamay sa BJMP Cauayan.

Facebook Comments