Top 6 Most Wanted sa Cauayan City-Isabela, Natimbog!

*Cauayan City, Isabela-* Nasa kamay na ng kapulisan ang isang lalaking Top 6 Most Wanted dito sa Lungsod ng Cauayan matapos madakip bandang alas dose kaninang tanghali, Hulyo a8, 2018 sa Brgy. Sinippil, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Eulogio Dela Torre alyas “Tom”, singkwentay otso anyos, isang welder at residente ng Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Dinakip si Dela Torre sa bias ng Warrant of Arrest na ipinalbas ni hukom Ariel Palce ng RTC Branch 40 Cauayan City, Isabela dahil sa kaso nitong Homicide.


Nakapiit na sa Cauayan City Police Station si Dela Torre at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang isangdaan at dalawampung libong piso.

Facebook Comments