Top 6 Most Wanted sa Cauayan City, Nalambat Na!

Cauayan City, Isabela- Mapapatawan na ng kaukulang kaso ang isang Top 6 Most Wanted sa lungsod ng Cauayan matapos maaresto dahil sa kaso nitong Paglabag sa Section 5 (b) ng RA 7610 o Sexual Assault.

Ang suspek ay kinilalang si Kerbie Patrick Aguinaldo, bente kwatro anyos, walang asawa at residente ng Duroc, Turayong Cauayan City, Isabela.

Si Aguinaldo ay dinakip ng PNP Cauayan City sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Ariel Dalce ng RTC Branch 40 Cauayan City, Isabela dahil sa panggagahasa nito sa isang disi syete anyos na dalagita.


Hawak na ngayon ng Cauayan City Police Station ang suspek at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng piyansang isang daan at pitumpong libong piso o 170, 000 pesos.

Facebook Comments