Top 7 at Top 8 Most Wanted Person ng QCPD, sinilbihan ng warrant of arrest

Nahulog na sa kamay ng mga otoridad ang Top 7 at Top 8 most wanted person ng Novaliches Police Station ng Quezon City Police District (QCPD) para sa kasong, robbery, illegal possession of firearm at explosives.

Sinabi ni QCPD Director, PBGen. Remus Medina na naihain na ang mga warrant of arrest laban sa mga akusado na sina Jeffrey Yanong, 26, nakatira sa Brgy. Nagkaisang Nayon, Quezon City, at Noriel Torino Noriel, alias “Noriel Nicanor”, 25, residente ng Brgy. Capri, Novaliches, Quezon City.

Ang mga akusado ay nahaharap sa kasong paglabag Revised Penal Code na inilabas ni Judge Rueben Ritzuko Veradio ng Branch 11, Regional Trial Court (RTC) ng Malolos, Bulacan.


Walang inirekomendang piyansa ang korte sa dalawa.

Si Nicanor ay dadalhin sa Bagong Bilangguan ng Bilibid sa bisa ng Commitment Order para sa kasong Illegal Possession of Firearm, gayundin si Yanong para naman sa kasong Illegal Possession of Firearm and Explosives.

Ang mga hukumang pinagmulan ng mga utos ng pagdakip ay aabisuhan sa pagkaaresto ng mga akusado.

Facebook Comments