Top 7 Most Wanted City level at Top 9 Provincial Level, Arestado!

91

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga otoridad ang lalaking wanted sa batas matapos itong mahuli sa Brgy. San Felipe, Ilagan City, Isabela.

Hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Rodolfo Dizon ng RTC Br. 18 City of Ilagan, Isabela ang akusado na si Ryan Dela Cruz, 34 anyos, walang asawa, drayber at residente ng Brgy. Bliss Village, City of Ilagan, Isabela.

Si Dela Cruz ay itinuturing na Top 7 Most Wanted person sa Lungsod ng Ilagan at Top 9 Most Wanted sa Lalawigan ng Isabela.


Siya ay nahaharap sa kasong Homicide na may kaukulang piyansa na P120,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala ang akusado sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments