Top 7 Most Wanted Person ng ICPO, arestado sa isla ng Boracay

Malay, Aklan – Arestado ng mga otoridad ang Top 7 Most Wanted Person ng Iloilo City Police Office sa isla ng Boracay.
Kinilala ang akusado na si Milven Palacio Dumahod, alyas “Pane”, 36-anyos, at residente ng Lapaz, Iloilo City.
Inaresto si Dumahod sa pamamagitan ng bisa ng Warrant of Arrest na ibinaba ni Hon. Victor Gevelson, Presiding Judge, Branch 36, 6th Judicial Region, RTC 6, Iloilo City sa kasong paglabag sa Section 15, Article II ng RA 9165 noong Enero 2012 at kasong Theft na inisyu naman ni Hon. Evelyn P. Rondael, Presiding Judge, Branch 9, MTC 6, 6th Judicial Region, Iloilo City noong Enero 27, 2012.
Nagtakda naman ang korte ng P 10,000 na pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nakatakda rin naman na iturn-over si Dumahod sa korte.

Facebook Comments