Saturday, February 7, 2026

Top 7 most wanted person sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga, naaresto ng pulisya

Naaresto ng mga operatiba ng Las Piñas City Police Station, Southern Police District (SPD), ang isang lalaki na may kasong may kinalaman sa ilegal na droga sa Barangay Pamplona 3, Las Piñas City.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Marlon,” 51 taong gulang, at nakalista bilang Top 7 Most Wanted Person.

Ang pagkakaaresto sa nasabing suspek ay alinsunod sa warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 120, Caloocan City, na may inirekomendang piyansa na ₱250,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, kasalukuyang nakadetine ang akusado sa Las Piñas City Police Station Custodial Facility habang hinihintay ang commitment order mula sa nag-isyu ng korte.

Facebook Comments