Top 7 Most Wanted Person sa Region 2, Natimbog

28

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 7 Most Wanted Person sa buong Lambak ng Cagayan matapos maaresto sa pinagsanib-pwersa ng kapulisan sa bayan ng Iguig, Cagayan.

Ang suspek ay nakilala sa alyas na ‘Isay’, 55 taong gulang, negosyante at residente ng Centro Sur, Tuao, Cagayan.


Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni hukom Dinnah Aguila-Topacio ng RTC Branch 42, NCR, Manila para sa kasong Illegal Recruitment at 18 beses na Estafa.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang kasong Illegal Recruitment habang nasa halagang Php288,000.00 sa kasong Estafa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Facebook Comments