Top 7 Most Wanted Provincial Level, Timbog Na!

Dupax del Norte, Nueva Vizcaya – Timbog sa kapulisan ng Dupax del Norte kamakailan ang binata na may kasong panggagahasa sa isang menor de edad sa Barangay Oyao,Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Police Chief Inspector Ferdinand Corpuz, hepe ng Dupex del Norte Police Station, ang suspek ay kinilala na si Molencio Nan-oy, walang asawa at residente ng nasabing lugar.

Nahuli umano si Nan-oy sa Alapang La Trinida, Benguet sa pakikipag-koordinasyon ng PNP Dupax del Norte sa Barangay kapitan ng naturang barangay.


Sinabi pa ni Police Chief Inspector Corpuz na matagal na nagtago sa batas ang suspek kung saan ay isa nang ganap na dalaga sa ngayon ang biktima.

Samantala, ang warrant of arrest ay ipinalabas ni hukom Paul R. Atuba ng RTC Branch 30 ng Bayombong Nueva Vizcaya at walang nairekomendang bail bond sa kaso ni Melencio Nan-oy.

Facebook Comments