Top 7 Most Wanted sa Cagayan, Bagsak na sa Kulungan!

139

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 7 Most Wanted Person sa Lalawigan ng Isabela.

Inaresto sa bisa ng warrant of arrest si Jovy Soriano Darilag, 44 anyos, magsasaka at residente ng Sitio Macubacubag, Brgy. Lapi, Peñablanca, Cagayan.


Si Darilag ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o pag-iingat ng hindi lisensyadong baril at kasong paglabag sa RA 9516 o pag-iingat naman ng pampasabog.

May inirekomendang piyansa ang korte sa kanyang kasong RA 10591 habang hindi naman ito pinayagang makapagpiyansa sa kasong RA 9561.

Nasa kustodiya pa rin ngayon ng PNP Peñablanca ang akusado at anumang araw ay ipapasakamay na sa court of origin.

Facebook Comments