TOP 7 MOST WANTED SA DAGUPAN CITY, TIMBOG

Arestado ang Top 7 Most Wanted Person sa Dagupan City, isang 38-anyos na lalaki at fishpen helper sa lungsod, kahapon ng hapon.

Ayon sa ulat, ikinasa ng Dagupan CPO ang operation gamit ang warrant of arrest laban sa suspek sa kasong may kinalaman sa Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng RPC, ng RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) na tumutukoy sa paglabag na may kinalaman sa mga menor de edad.

Matapos siyang maaresto, dinala ang suspek sa Police Station 5, DCPO para sa dokumentasyon bago siya opisyal na ipag-turnover sa korte.

Patuloy na pinaigting ng Dagupan City Police ang paghuli sa mga wanted persons upang masiguro ang seguridad at kapayapaan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments