TOP 7 MOST WANTED SA ISABELA, NAARESTO NG PNP CABAGAN

CAUAYAN CITY- Matagumpay na naaresto ng mga otoridad Ang tinaguriang top 7 most wanted provincial level sa Brgy. Centro, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jopet”, nasa hustong gulang, at tinaguriang most wanted person sa lalawigan.

Naaresto ang suspek sa bisa ng mandamiento de aresto sa kasong pagpatay kung saan walang kaukulang pyansa ang inirekomenda ng hukuman para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Sa kasalukuyan ang suspek ay nasa pangangalaga ng Cabagan Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Facebook Comments