TOP 7 REGIONAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA BAYAN NG JONES

CAUAYAN CITY – Nahuli na ng kapulisan ng Isabela ang isang lalaking tinaguriang Top 7 Regional Most Wanted Person noong ika-13 ng Hulyo, sa Brgy. Bantay, Jones, Isabela.

Ang suspek ay kinilala bilang si alyas “Narsing”, isang manggagawa, at may apat na bilang sa kasong RA 8353 o Anti-Rape Law of 1997.

Matagumpay na nadakip ang suspek dahil sa bisa ng mandamiento de arresto na inisyu ng korte noong ika-13 ng Hunyo taong kasalukuyan, kung saan ay walang inirekomendang piyansa sa bawat bilang ng kaso para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Nasa pangangalaga na ng PNP Jones si alyas “Narsing” para sa dokumentasyon bago ito ibalik sa korteng kanyang pinagmulan.

Facebook Comments